Monday, May 16, 2005

bakit nga ba?

naisip kong simulan ang blog na ito dahil di ko magawang isulat ang tunay kong nararamdaman para sa isang kong kaibigang lalaki sa isa ko pang blog. lagi kasi yun nababasa ng mga kaibigan ko at hindi ko gusto na makita nya ito. di ko kasi siguro kayang ma-reject o kaya mapahiya kung makita man nya yun. at least kung walang nakakakilala sa akin, mabubuhos ko lahat ng niloloob ko na di ako mangangamba kung may makabasa mang ibang tao.
itago na lang natin sya sa pangalang "AJ". Nakilala ko siya ng lumipat ako sa team nila. Di ko naman sya napapansin nung una, ang tingin ko kasi sa kanya dati ay medyo matured na. Nadevelop na lang siguro ako dahil lagi kaming magkasama. ako ang naging "buddy" nya sa team. hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kanya, kung tutuusin, madami syang weird na ugali at simula't sapul pa, alam ko na na may girlfriend sya.
Siguro, ang problema sa akin, madali akong madevelop sa mga close friends kong lalaki. Ka-ugali ko kasi sya. Minsan lang ako makakita ng ganon. Kung tutuusin, madali syang mahalin. Ang dami nyang katangiang gusto ko sa isang lalaki. Bukod pa dun, parehas kami ng mga bagay na gustong gawin.
Hay naku, sobrang nalulungkot ako. Kanina nga, tinanong ako ng isa kong kaopisina kung bakit ang tahimik ko at layo ng tingin. Di kasi sila sanay makita ako na ganito. lagi kasi nila akong nakikitang masaya. Wala lang, naiisip ko lang kasi sya. Bakit ba kasi ganito..nakakainis! di ko sya maalis sa isip ko!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home